Contact Us

For inquiries and appointments, please contact:

Association of Traditional Health Aid Givers Philippines (ATHAG)

63 San Rafael St., Bo. Kapitolyo, Pasig City

Mobile: (0932)7402285; 09054157087

 

Facebook: http://facebook.com/HilotHealing

 

If you have other concerns, please email: 

E-mail: hilothealing@yahoo.com

 

ATHAG location map

ATHAG location map

 

89 thoughts on “Contact Us

  1. Nabasa ko po un mga blog dito..ask ko ln po if may branch kayu sa quezon province? Nais ko po sana magpahilot kaya lang npklayo po..

    • Magandang hapon po Boyet,

      Salamat sa interes niyo sa tradisyonal na Hilot.

      Sa ngayon ang opisina po namin ay nasa Pasig lang po. Pero subukan niyo pong magtanong-tanong sa inyong lugar, baka po may magagaling pa po na manghihilot na mas malapit sa inyo. 🙂

  2. Good afternoon po. Gusto ko po sanang maka experience ng traditional hilot. nag ooffer po ba kayo ng hilot sa office ninyo sa kapitolyo, pasig? maraming salamat po.

    • Magandang umaga po Ronell,

      Opo may manghihilot po kami sa opisina namin sa Pasig. Tumawag lang po muna kayo para magpa appointment bago po kayo pumunta para sigurado po na may manghihilot na mag-aasikaso sa inyo agad.

      Salamat po!

  3. hello po. pwede rin po ba ihilitun ang 4yrs old. actually di ko sure kung hika nga ang nararanasan niya ngayon. 2yrs ago po kasi nagkaroon siya ng Koch infection o tb. not sure kung kanino nahawa ka pareho naman kami negative ng asawa ko. after nya magkaroon nun ay madali na siyang kapitan ng ubo. sa takot ko magpainom lagi ng antibiotic, pinapainom ko nalang siya ng luyang dilaw. nitong mga nakaraan araw panay ulit ang ubo niya pero kadalasan tuwing madaling araw siya inuubo taz susuka ng malagkit na laway. gusto ko sana i-try siyang ipahilot jan sa inyo. pwede po ba ang ganun age?

    • Magandang umaga po Ms. Jhasz,

      Opo, pwede po hilutin ang 4 years old na bata. Pinakamabuti po kung dadalhin nyo ang inyong anak sa aming opisina para po masuri. Tumawag po muna kayo sa (0922) 884 4568 o (02) 267 4012 bago po kayo pumunta. Sabihin nyo po na gusto nyo magpa-appointment kay Sir Boy Fajardo bago po kayo magpahilot para po masuri mismo ni Sir Boy ang anak nyo.

      Salamat po.

      • Gud pm po.gusto ko po sana magpahilot kase sabi ng doktor naipit daw po ugat ko s balakang OK nmn po lahat ng test ko.namamanhid po kse ung 2 paa ko mga 6 mos.na po ito.sana po matulungan nyo ko.tnx

      • Good morning po Leah,

        Salamat po sa interes niyo sa Hilot.
        Tawag lang po kayo sa aming opisina para po magpa-appointment ng Hilot. Kung gusto niyo, pwede din po kayo magpasuri muna kay Sir Boy bago ang hilot, sabihin niyo lang po sa aming sekretarya. Salamat po!

  4. Magandang gabi po. Ako po ay may nararamdaman sakit sa kanang balikat at braso, ang tawag daw po ay “frozen shoulder.” Magdadalawang taon na po itong nararamdaman ko, masakit at may limitasyon ang paggalaw. Pabalik-balik na rin po ako sa therapy pero wala pa rin po magandang resulta. Maari po ba itong sakit ko na magamot ng hilot? Maraming salamat po

    • Magandang umaga po Malik,

      Hilot po talaga ang kailangan sa frozen shoulder, dahil tinutugunan nito ang mismong pinagmumulan ng pananakit. Kung kayo po ay nasa Metro Manila, pwede po kayo magtungo sa aming opisina. Tumawag lang po kayo bago kayo magpunta para po magpaschedule. Ang amin pong numero at address ay nasa link na ito: https://hilothealing.com/contact-athag-bibiano-fajardo/

      Kung kayo po ay malayo sa Metro Manila, pwede po kayo magtanong-tanong kung mayroon pong magaling na manghihilot sa inyong lugar.

      Salamat po.

  5. Good evening po.. Ask ko lng po kung dyan sa inyo si mang boy, yung nafeature sa abs cbn sa tapatan ni tonying, ni Anthony taberna? Thank you..

  6. Good evening. I would like to know if you have an upcoming schedule of trainings/seminars about hilot wellness. I’m from Quezon province but willing to attend. Please contact me if there are schedules. God bless and thank you.

    • Magandang araw po Jun,

      Opo, kaya po ng Hilot ang ACL injury. Kung nais niyo po magpahilot, tumawag po muna kayo at magpa-appointment kay Sir Boy Fajardo upang masuri niya ang kalagayan ng tuhod. Ang amin pong numero at address ay nasa “contact us/kontakin ang athag” na page ng website na ito. Salamat po.

    • Magandang araw po Len,

      Opo, naghihilot po kami ng mga babaeng nais magkaanak. Tumawag lang po kayo at magpaappointment bago kayo pumunta. Sabihin niyo po na magpapatingin kayo kay Sir Boy Fajardo bago magpahilot para po masuri niya kayo. Salamat po.

  7. Magandang araw po, kapapanganak ko lang po hung nakaraang buwan. Tumaas po any bp ko pagkapanganak ko (post partum pre eclampsia). At hanggang ngayon po ay umiinom pa din po akonng gamot pati na din po sa kolesterol. Hindi din po ako nakaktulog ng maayos dahil pakiramdam ko po lagi po may tumatakbo sa isip ko at mabilis din po ang tibok ng puso ko. Malulunasan po kaya ang mga ito ng hilot? Palo na po ung pagtulog ko? At kailan po ba pwede magpahilot ang ceasarian? Maraming salamat po

    • Magandang araw din po sa iyo Rose,

      Salamat sa interes niyo sa Hilot.

      Pinakamabuti po kung magtungo po kayo sa aming opisina para po masuri kayo mismo ni Sir Boy Fajardo. Maari po kasi na may iba pa pong problema. Tumawag lang po kayo at magpa-appointment bago po kayo pumunta para po sigurado na nandun si Sir Boy at may pwedeng manghilot pagdating niyo. Salamat po.

    • Magandang araw po Karen,

      Salamat sa interes niyo po sa Hilot.

      Ang amin pong opisina ay bukas mula 8:00 am hanggang 5:00 p.m. Tumawag po muna kayo at magpa-appointment bago po kayo pumunta. Karaniwan po ay umaga ang mga appointment kay Sir Boy.

      Salamat po!

  8. Hello gud pm po.ang hilot po ba dyn lng mismo sa lugar nyo.i mean gusto ko kasi mgpahilot kaya lng po.may anak ako maliit at hirap po isama pa sa lugar nyo.pwede po ba mismo sa bahay magpunta ang mghihilot or hindi po?maraming salamat po.

    • Magandang hapon po Letty,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.

      Pasensiya na po at sa ngayon po, sa opisina lang po kami nanghihilot. Baka naman po may magaling na manghihilot na mas malapit sa lugar niyo. Subukan niyo po magtanong-tanong baka po meron.

      Salamat po!

  9. si lea estorba po ito..ask kulang po kung pede po ba magpahilot ang buntis..matagal na kasi tong nararamdaman ko lageng mabigat pakiramdam ng ulo ko..di nawawala nag try ako pa CT scan sabi sa leeg ko daw..kaya nagpa theraphy ako kaso d ko natuloy tuloy..nag aalala kc aq baka maapektohan baby ko..gusto ko po sana magpahilot kay sir boy fajardo kung pede po kahit buntis ako..

    • Magandang araw po Lea,

      Pasensya na po ngayon lang po kami nakasagot. Masakit pa rin po ba ang leeg niyo?

      Maari naman po magpahilot ang buntis, pero piling bahagi lang na di makakaapekto po sa mga bahaging may kinalaman sa pagbubuntis. Pwede po kayo pumunta sa aming opisina, pero ang maghihilot po sa inyo ay mga manghihilot po na tinuruan ni Sir Boy. Salamat po.

      • mag pa appointment nalang po ako after ko manganak kapag ok ok naku..tagal na po kasi nito sabi sa CT scan ko dati muscle spasm kya nid theraphy..halos 2 years na po ito parang lalo ko xa nraramdaman kapag na stress ako para ako nanlalambot taoos pinagpapawisan na dq maintndhn..halos sa araw araw parang nakasanayan kona ung ganito lage mnsan kumikirot ulo ko parang tinutusok ..kaya gusto ko po magpahilot ng sa gayon ay malunasan na tong nrrmdaman ko..lage ko pinag pray na wag makaapekto sa pagbubuntis ko lalo na sa anak ko ung nararamdaman ko sa ulo ko ksama sa leeg ko..halos dati po d ko nagagawa lage mapatunog leeg ko kc parang laging ngalay kaya na strech ko xa nakasanayan ko tumutunog lage kapag ginagalawa ko leeg ko po..

      • sir gusto ko po sana kay sir boy mismo magpa appt.ng hilot gusto ko po masubukan..october pa po ako manganganak kelan po ako pede pa sced.po kung sakali na pede na po xa.

      • Hi Lea,

        Sa opisina po kasi namin, si Sir Boy po ang sumusuri at nagpupulso, pero hindi po siya ang humihilot mismo. May mga manghihilot po kami na tinuruan niya na magaling din naman po. Kung gusto niyo, magpaappointment na din po kayo sa kanya para matingnan niya kayo bago at pagkatapos niyo po magpahilot. Salamat po.

      • pede na po ba ko pa appt.now ?pero after ng panganak ko ako pahilot para ma sced.na po ako kung sakali kc alam kung dami din nagpapasced.kay sir boy..para habang maaga palng my sced.na po ako sknya after ko manganak po

  10. Gud day sir I have unkle Sprain or “natapilok” almost 1 yr na po balak ko po sana mag tungo jan sa office nyo malaki pa ba ang chance na ma heal ang paa ko… 0949931403

    • Good day Jay,

      Pasensya na po at ngayon lang po kami nakasagot sa inyong tanong. Opo, makakatulong po ang Hilot para po sa pilay. Tumawag lang po kayo sa aming opisina at magpa appointment po bago kayo pumunta. Salamat po.

  11. kaibigang jhasz nkikialm po ako jan sa problema mo meron me payo lang sa yo pwede mong ipahilot ung manghihilot talaga alam nya kng lamig o kailangan ang albularyo ung lang po t.y

  12. Gud eve po pwd po b ako mag pa appointment kc po d po nawawala young sa kanan leeg ko po naninigas po laman at mjo kmikirot wala nmn po mkita doktor nais ko po sana magpagamot mag 5 yrs na po ito nrrmdman k s leeg….my opicna po ba kyo s sat.pupunta po ako c aiza po ito ….

    • Magandang hapon po Aiza,

      Tawag po kayo sa aming opisina para po magpa-appointment. Kung gusto niyo po magpasuri kay Sir Boy Fajardo bago magpahilot, sabihin niyo din po sa aming sekretarya para po i-appointment kayo sa kanya. Ang number po namin ay nasa ibaba:

      Mobile: (0922) 884 4568; (0905) 359 4569
      Landline: (+632) 267 4012

      Kung halimbawa po marami po ang naka-skedyul, pwede niyo po sabihin na yun lang ang ipapahilot niyo, baka po pwede maisingit kung hindi naman po buong katawan. Salamat po.

  13. Gud eve po…gsto ko po magpahilot marami n po ako nrrmdman msskit s ktawan k bata pa po ako nagcmula po ito lahat ng manganak po ako sana mtulungan at mpagaling po ako ng maackaso ko n po mga anak ko…mrming slmat po

    • Hi Yhoniliza,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.
      Kung taga Metro Manila po kayo, pinaka-mabuti po kung pupunta kayo sa aming opisina sa Pasig para po masuri kayo mismo at malaman natin kung bakit po marami kayong nararamdaman na pananakit. Tawag po muna kayo bago kayo pumunta, sabihin niyo po magpapappointment din kayo kay Sir Boy Fajardo bago po kayo magpahilot. Salamat po at sana matulungan po namin kayo.

  14. hello po, tanong ko lang pwede ba kay Dr.Fajardo magpa tingin kung may hypertension at stress disorder..thank you po.

    • Good afternoon po Lhet,

      Opo, pwede pong hilutin ang carpal tunnel syndrome. Pinakamaigi po kung magpa-appointment muna kayo bago po pumunta sa aming opisina. Kung gusto niyo po magpasuri kay Sir Boy, sabihin niyo lang po sa aming sekretarya. Salamat po!

  15. Magandang hapon po, ako po ay may rayuma sa tadyang at sternal chondritis sabi ng doctor ko. Binigyan nya po ako ng gamot para dito pero hndi po nawala ang sakit lalo na sa dibdib ko. Makirot po sya sobra, sabi nga po naipitan dw ng ugat, nagpapalpitate din po heart ko, tpos may maintenance na po ako pra sa HB. Malulunasan po ba ng hilot ang sakit ko? Maraming salamat po and Gob bless.

    • Magandang hapon po Ms. Violy,

      Salamat po sa inyong comment.
      Pinakamabuti po kung magpunta po kayo sa aming opisina para po masuri kayo mismo ni Sir Boy Fajardo at malaman kung ano po ang sanhi ng karamdaman niyo ayon sa hilot at kung ano po ang dapat gawin. Tawag po muna kayo at magpa-appointment bago kayo pumunta para po sigurado na nandoon siya pagpunta niyo. Salamat po!

  16. Magandang umaga po.. kaya pa po b madaan sa hilot ang naipit n ugat kahit 3 months npo ang nakakalipas.. andami ko n kasing pinagpahilutan pero hindi gumagaling tapos napansin ko po na mas pumayat n ung kaliwang binti ko dahil siguro sa naipit n ugat..

    • Magandang gabi po Jasper,

      Opo, kung ipit na ugat po ay makukuha po ng hilot. Kaso lang po ay depende din po kasi kung gaano kagaling ang manghihilot sa paghanap ng naipit na ugat. Kung gusto nyo po subukan sa amin, magpa appointment lang po muna bago pumunta. Salamat po.

  17. Goodmorning po gus2 ko ponh magpahilot kc nahihirapan po ako sa paghinga at namamanhid ung kamay at paa ko nagpacheck up na po ako sbi ng doctor wla nman dw po clang nakita. Magkanu po ba magpahilot.. gus2 ko sna magpahilot ngaun kya lng meron pa po ako..pwede ba un?

    • Good evening po Mary Florilyn,

      Ang hilot po depende kung ipahilot nyo lang yung affected part o buong katawan. Mas mabuti po kung tatawag po kayo sa aming opisina para po masagot lahat ng katanungan niyo. Salamat po.

  18. ceasarian po ako sabi nila binat laygay daw po ako kasi halos kalahati po ng katawan ko ang nabawas kelangan ko daw po ng hilot tsaka suob .. malapit po ba kayo sa manggahan pasig kasi un lang po ung alam kong location sa pasig . tsaka ask ko lang po kung hm . tnx 🙂

    • Hi Joy,

      Pinakamabuti po kung pupunta po kayo mismo sa opisina namin sa Kapitolyo. Tawag po muna kayo bago kayo pumunta. Sabihin niyo po magpapasuri kayo kay Sir Boy bago magpahilot. Salamat po!

  19. hi,

    gsto ko sana ipahilot ung asawa ko kasi kakapanganak nia lang pakiramdm nia mababa matres nia. salamat.

  20. hi may branch ba kayo sa fairview., or any place na malapit sa quezon city

    magpapacheck may pneumonia kasi ako., baka pwede madala sa hilot para mabawasan ito

    • Hi Jin,

      Nasa Kapitolyo lang po ang office namin. Opo, makakatulong po ang hilot sa pneumonia. Pinakamaigi po kung pupunta na lang po kayo sa opisina. Tawag po muna kayo bago kayo pumunta. Salamat po!

  21. Good day! Ask ko lang po sana kung naghihilot po kayo nung tinatawag nila sa visaya na kabuhi. Parang lamig/bola sa sikmura na dapat iayos o ibaba daw sa tamang lugar kc ito po ang nagcocause ng mga acid sa sikmura… Salamat!!!!

    • Magandang araw po Ellery,

      Opo, naghihilot po kami ng kabuhi. 🙂
      Tawag lang po kayo at magpa-appointment ng Hilot, at sabihin niyo magpapahilot kayo ng kabuhi. 🙂 Salamat!

  22. Hello po. Nag pa Chiropractor na po ako dahil sa siatic nerve pain. Nag Therapy na rin po aki pero nanadun parin po ang sakit sa lower back ko na gumapang hanggang right leg. para po akong pinupulikat at parang pinupunit po sa sakit ang right leg ko. May magagawa po ba kayo para mawala na po ito? Please help. Thank you

    Mark B.

    • Magandang hapon po Mark,

      Kung kayo po ay nasa Metro Manila, pinakamabuti po kung pupunta po kayo sa aming opisina at magpatingin po kay Sir Boy Fajardo para masuri niya kayo. Pwede na din po kayo magpahilot pagkatapos kung sakaling ipit na ugat po ang nararamdaman ninyo.

  23. Hello po! Ask ko lng po, merun po akong pilay tpus po medyo malaki po ung kanang likod koNahulog po kc ako sa puno nung maliit pa ako sa ngaun po 22yrs old na ako.tas minsan po nahihirapan din po ako huminga. .marami ma po akong napa hilotan ..peru bumabalik parin po ung sakit pag marami ako ginagwa.. magagamot pa po kya itong nararamdaman ko.?

    • Hello din po BJ,

      Kung nasa Metro Manila po kayo, pinakamaigi po kung makapagpatingin kayo kay Sir Boy Fajardo para po masuri niya kung ano po yung problema niyo. Marami po kasi maaring dahilan ng pananakit. Minsan naman po, pwede din na hindi lang nakuha talaga ng manghihilot yung pinakaugat ng problema kaya po bumabalik. O maari din po kayo ang may nagagawa na nakakadulot sa sakit. Salamat po!

  24. gud pm po,,problema ko po ay sapol ipinanganak po ako ay wala po aq hika,,pero ngayon po kapag inuubo ako ay parang meron tumutunog o hinahapo po ako,nahihirapang huminga kapag nakahiga na,at madaling mahingi mga katawan ko lalo po ang kamay ko.matatanggal po ba eto?kung magpapahilot ako sa inyo at gaano po ba katagal?salamat po

    • Magandang umaga po Jo,

      Pasensiya na po at hindi po namin masasabi kung gaano po katagal kailangan ng Hilot hanggat di po namin kayo nasusuri mismo. Kaso po naku medyo malayo pa po pala kayo at sa Laguna kayo. Subukan niyo po magtanong baka po may magaling na manghihilot/albularyo na malapit po sa inyo para po di po kayo bumyahe ng malayo. Kung sakali po wala, tawag po kayo para po magpaappointment kay Sir Boy Fajardo para sigurado po andun siya pag pumunta kayo. Salamat po!

    • Good morning Bai,

      Yes, meron pong copies sa office po namin. Meron din po sa National Bookstore. Kung sakali man wala po sa branch na malapit sa inyo, pwede po kayo magrequest sa customer service para po magstock sila. Php550 po yung book. Salamat po!

  25. Hello po, 2 weeks na po nananakit ang kanang hip/lower back area na minsan gumagapang sa side ng hita, ano po kaya ito? magkano po magpatingin kay dr fajardo?

    • Magandang umaga po Mabel,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot.
      Maari yan po ay ipit na ugat, pero hindi po natin masigurado hangga’t di po namin kayo nasusuri mismo. Wala pong bayad ang magpasuri kay Sir Boy Fajardo. Ang may bayad lang po ang pagpapahilot. Mas maigi po kung tatawag kayo sa opisina para po makausap niyo ang aming mga manghihilot at masagot po ang mga tanong niyo kaagad. Salamat po!

  26. pwede po ba mismo si sir boy fajardo yung maghihilot? kasi po yung sa may buto ko po sa may dibdib o yung tinatawag pong collarbone medyo naka angat , naihirapan po akong huminga at namamanhid po yung kamay ko sa kaliwa at nangangawit.

    • Magandang araw po Ms. Ruffa,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot. Si Sir Boy Fajardo po ang susuri sa inyo, pero po ang hihilot ay ang mga manghihilot po na tinuruan niya. Magaling naman po sila at ituturo ni Sir Boy kung may special na kailangan po gawin sa inyo. Salamat po.

  27. Hello po ako po parang naka angat yung buto sa dibdib o tinatawag atang colarbone hirap pokong huminga yung kaliwang kamay ko namamanhid po. Pwede bang mag req na si mang boy po ako kukunsuolta?

    • Magandang araw po,

      Opo, tawag po kayo sa opisina namin at magpa-appointment po kay Sir Boy. Susuriin niya po kayo tapos tuturuan po ang manghihilot na hihilot po sa inyo kung ano ang dapat gawin. Wag po kayo mag-alala, magagaling po ang mga manghihilot namin, natuto po sila mismo kay Sir Boy din. Salamat po.

  28. Magandang hapon po, 62 napo ako at matagal ng may gout arthritis, napansin ko late last year na nangungumitim na ang kaliwang paa ko marahil gawa ng sugat sa big toe ko na mahirap pagalingin. Pwede po ba itong hilutin? Nakakapagbigay ginhawa po kaya sa gout ang hilot. Nais kopo magpasuri kay sir Boy. Salamat po.

    • Magandang araw po Eman,

      Malaki po ang nagagawa ng Hilot para po sa gouty arthritis. Sa katunayan nga po, kung sana nahilot po kayo noon ay maiiwasan po natin ang paglala ng husto ng kalagayan ng gout niyo. Pero base po sa paglalarawan niyo, baka po may iba pang karamdaman kayo bukod po sa gout kung kaya po nangingitim ang kaliwang paa niyo at mahirap pagalingin po ang sugat. Nasubukan niyo na po ba magpatingin sa doktor na malapit sa inyo tungkol sa karamdaman niyo? Salamat po.

  29. Magandang hapon po, nakakaranas po kasi ako ng parang kabuhi araw-araw.minsan nawawala agad ang kabuhi. Pag grabe na kasi lalong sumasama ang sikmura ko tapos dumidilim yung paningin ko at parang hihimatayin ako kaya pinapahidan ko ng omega para mawala…at pag tatayo ako ng matagal namamanhid ang paa ko at parang aatakihin ako ng kabuhi kaya uupo na lang agad ako kaya.kaya ba ito ng hilot.

    • Magandang araw po Annafil,

      Salamat po sa interes niyo sa Hilot. Kayo po ba ay nasa Metro Manila? Kung opo, pinakamabuti po kung magpasuri po kayo kay Sir Boy Fajardo sa aming opisina para po matukoy niya ang ugat ng karamdaman niyo. Kapag ganyan po kasi, hindi lang po Hilot ang kailangan, pati na din po halamang gamot at pagbabago din po sa pamumuhay. Salamat po.

  30. Hi, pwede po ba kau mag hilot ng naipit na ugat sa kamay? May x-ray na po, masakit lng xe ung kamay.. Dpat maibalik sa pwesto ung ugat, pumatong sa buto.

    • Hi po,

      Opo, nanghihilot po kami ng ipit na ugat sa kamay. Mas mabuti po kung tatawag kayo muna bago kayo pumunta para po sigurado na may hihilot sa inyo. Salamat po!

  31. Gudpm. Ask ko lng po. Hihilotin po b ang paa kung maga po ito? Naipitan po ito ng ugat. Pina xray po nmin, ala po fracture. Gusto po nmin mg pa schedule.

    • Magandang hapon po,

      Pinakamabuti po kung bago pa yung injury. Tawag po kayo sa opisina namin para po makausap niyo ang manghihilot at magpaschedule. Salamat po!

  32. Good afternoon po. Ask ko lang po if naghihilot din po kayo ng suhi n buntis 8 months salamat po

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s